PAYO AT BABALA SA MGA PILIPINO NA NAIS
MAGTRABAHO SA CANADA BILANG CAREGIVER
Ang inyong Embassy at Philippine Labor Office, sa pakikipag-ugnayan sa Canadian Embassy sa Tel Aviv, ay nagpapaabot ng mga sumusunod na payo at babala sa mga OFW sa Israel na nais magtrabaho bilang caregiver sa Canada:
-
Personal na makipag-ugnayan sa inyong employer sa Canada sa pamamagitan ng telepono, internet, videocam o sulat para maliwanag ang inyong kontratang pinagusapan at pipirmahan.
-
Ang employer ang siyang magsusumite ng mga dokumento sa "Human Resource Development Canada (HRDC)" para makakuha ng caregiver. Ang employer din ang maguumpisa ng proseso at ugnayan sa Canadian Embassy sa Tel Aviv.
-
Kung gagamit ng recruitment agency sa Tel Aviv, kailangan ay may kontratang pinagkasunduan at pinirmahan sa pagitan ng agency at OFW tungkol sa dapat gagawin ng agency, b) makausap ng OFW ang employer sa Canada tungkol sa kontrata, at c) may kontrata sa pagitan ng caregiver at Canadian employer.
-
Lahat na dokumentong isinumiti ng OFW-aplikante sa Canadian Embassy sa Tel Aviv ay siguradong susuriin ng imbistegador kung ito ay tutuo o hindi.
Magingat sa illegal na recruiter o agency para hindi maloko at mawalan ng pera.
Tel Aviv, 27 October 2007