MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 992

MAHALAGANG PAUNAWA

Para sa kaalaman ng nakararami, ang Consular Affairs Bureau ng Ministry of Foreign Affairs ng Israel ay nagpalabas ng mga sumusunod na impormasyon ukol sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhan, kung sila man ay mangangailangan ng visa o hindi.

  • Ang pasaporte ay kinakailangan valid o may bisa ng hindi bababa sa anim na buwan mula sa araw ng pagpasok sa Israel.

  • Ang isang dayuhan na dating nakapagtrabaho na sa Israel at hindi nagkaroon ng anumang problema sa pagtatrabaho sa bansa maging sa sector ng agriculture, industry, construction, home nursing o iba pang serbisyo ay maaaring bumusita muli sa Israel pagkalipas lamang ng hindi bababa isang taon mula nang sila’y umalis ng bansa.

  • Ang mga dayuhan na nasa sumusunod na kategorya ay kinakailangang malaman muna ang kanilang estado sa Israel at kumuha ng permisyon o visa para makapasok sa Israel bago magtangkang muling magbyahe upang maiwasan ang anumang sitwasyon kung saan sila ay maaaring mapigilan sa pagpasok sa bansa:

 

1. mga taong dati nang napauwi ng gobyerno ng Israel;

2. mga taong illegal na nanirahan sa Israel nung nakaraan;

3. mga taong dating hindi pinapasok sa bansa;

4. mga taong bibisita sa mga dayuhang manggagawa sa Israel;

5. mga kamag-anakan ng mga dayuhang manggagawa sa Israel.

 

  • Ang mga nagnanais bumusita sa Israel ang maaaring magverify ng kanilang estado sa mga Embahada ng Israel sa iba’t ibang bansa o sa Ministry of Interior ng Israel bago tuluyang magbyahe.

Upang maiwasan ang anumang abala, ang mga dayuhan ay pinakikiusapang sumunod sa mga nabanggit na paunawa o gabay.

Salamat po.