MENU

idf1 idf2

 

📢 BASAHIN: Emergency Supplies at Equipment na Dapat Ihanda para sa Pangmatagalang Pamamalagi sa Shelter🚨
Kung sakaling magkaroon ng emergency o serious security situation, maaaring hilingin ng IDF Home Front Command sa mga mamamayan na manatili sa isang shelter o safe room ng ilang oras, o kung kinakailangan, lumikas mula sa bahay.
Mahalagang naihanda na ng maaga sa isang go bag ang mga kinakailangang supplies at kagamitan na kakailanganin tuwing may emergency situations:


☑️Mahahalagang dokumento tulad ng passport, mga ID, kontrata, at iba pang katulad na mga papeles. Mas mainam kung nakasilid sa waterproof na lagayan.
☑️Tubig at pagkain na sapat sa loob ng tatlong araw para sa lahat ng kasama sa sambahayan.
☑️Mga pagkaing madaling kainin (crackers) at di madaling mapanis (delata).
☑️Flashlight o emergency light at mga extrang baterya nito.
☑️Maintenance medications at kanilang mga reseta, first aid kit
☑️Radio at mga extrang baterya nito
☑️Fully charged na battery pack na makakapag-charge ng cellphone at maliliit na appliances
☑️Mga damit at mga toiletries (sabon, toothpaste, shampoo na nasa maliit na container)
☑️Special food para sa mga sanggol, matatanda, alagang hayop, atbp.
☑️Mas mainam na nakahanda na ang emergency bag sa mamad / shelter o sa lugar na madaling mapagkunan agad.
☑️Kung may sasakyan, siguraduhing nasa maayos itong kondisyon at palaging may full-tank ng gasolina

Muling pinapaalala ng Embahada sa lahat ng Pilipino sa Israel na unahin ang kanilang kaligtasan at seguridad sa anumang oras o okasyon. Palagiang maging mapagmatyag, maingat, handang kumilos ng naaayon sa sitwasyon, at umantabay sa mga security guidelines ng IDF Home Front Command at safety advisories ng Embahada.


Facebook:    #PHinIsrael 🇵🇭🤝🇮🇱