MENU

OV tagalog poster

❗️OVERSEAS VOTERS REGISTRATION

Simula ngayong araw, ika-11 ng Disyembre 2022, tuwing Linggo hanggang Huwebes, mula ika-09 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon.
Maaring magparehistro ang sinumang Pilipino na (1) naninirahan o matatagpuan abroad sa araw eleksyon at (2) hindi disqualified sa pagboto.
Maliban sa Embassy dito sa Tel Aviv, maari ding magparehistro sa (1) iba pang embassy o consulate ng Pilipinas, at sa mga itinalagang (2) registration centers na maliban sa mga embahada at konsulado, at (3) registration centers sa Pilipinas na itinalaga ng COMELEC.

Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
1. Personal na mag-fill out ng Overseas Voting Form 1 (OVF 1) sa Embahada o mag-fill out online at i-download ang form sa link na ito: https://comelec.gov.ph/.../AnnexA_OVF1_Fillable_v3_2.pdf
2. Personal na ipasa sa Embahada ang filled-out OVF 1 at ipakita ang valid na passport at iba pang katibayan ng citizenship at pagkakakilanlan.
3. Ibigay sa mag-eencode na kawani ng Embahada ang demographic information tulad ng pangalan, edad, tirahan, atbp.
4. Magpakuha ng biometric data tulad ng litrato at fingerprints.
5. Hingin ang Acknowledgement Receipt na nilagdaan ng Administering Officer, na magsisilbing patunay ng pagpaparehistro.

Para sa karagadagang impormasyon at iba pang katanungan, i-click ang link: https://comelec.gov.ph/?r=OverseasVoting/OVFAQs
#MagpaRehistroKa🗳
#PHinIsrael🇵🇭🤝🇮🇱
#DFAForgingAhead