MENU

PIBA Announcement Tagalog 001

 

Ipina-aalam sa lahat ng Pilipino sa Israel na may bagong programa ang Population, Immigration and Border Authority (PIBA) para sa mga illegal na naninirahan/ “overstaying” sa Israel, at sa mga nagnanais na boluntaryong bumalik sa Pilipinas kasama ang kanilang pamilya.

 

Ang mga kwalipikado o maaaring mag-apply sa programang ito ay isang magulang na illegal na naninirahan sa Israel ng humigit-kumulang dalawang taon na may isang anak na isang taong gulang simula 01 July 2022.

 

Ang PIBA ay magbibigay ng package na tulong at benepisyo sa mga kwalipikadong mamamayan at kanilang pamilya tulad ng:

 

  •        Libreng ticket pauwi sa Pilipinas,
  •        Paunang tulong pinansiyal na USD1,500.00, at
  •       Tulong pinansiyal kada-buwan na USD300.00 sa loob ng isang taon o 12 na buwan.

Ang nasabing programa ng PIBA epektibo hanggang 30 November 2022 lamang.

 

Para mag-apply sa nasabing programa, makipag-ugnayan sa PIBA sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

  • Emai:            This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
  • Tel. Nos.:      074-7084907/074-7084908/074-708-4906
  • Address:       Mivtsa Kadesh 64, Bnei Brak

Muling hinihikayat ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipinong manggagawa na sundin ang mga alituntunin ng kanilang mga kontrata sa trabaho, at ang mga batas ng Immigration ng Israel. Patuloy ang Embahada na nakikipagtulungan sa Population, Immigration and Border Authority (PIBA) ng Israel para sa makatao at maayos na pag-papauwi ng mga overstaying na Pilipino na nais at boluntaryong bumalik sa Pilipinas.

 

Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaaring tumawag sa ATN Section ng Embahada ng Pilipinas sa numerong 03-601-0520 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..