Mga opisyal ng Embahada kasama ang mga bagong pinuno ng Association of Bicolanos in Israel (ABI). NAKAUPO, KALIWA PAKANAN: Treasurer Mariefe Caceres, Vice President Mary Jane Rioflorido, President Diana Claire Samino, at Secretary Maria Lorraine Gianan. NAKATAYO, KALIWA PAKANAN: Adviser Sonny Osorio, Founder Angeli Pernecita, Secretary Grace Tolosa, Adviser Tomer Marmol, Third Secretary Patricia D. Narajos, Chargée d’affaires Reichel P. Quinones, Labor Attache Rodolfo G. Gabasan, Third Secretary Teri Adolf C. Bautista, Adviser Maribel Cornejo, Business Manager Angel Sol, Board Member Joy Magat, at Business Manager Elaine Lunas
IKA-30 NG OKTUBRE 2022 – Nanumpa sa harap ni Chargee d’affaires Reichel P. Quinones ang mga bagong opisyal ng Association of Bicolanos in Israel (ABI) noong ika-30 ng Oktubre sa Balai Quezon ng Embahada.
Pinakilala ni Ms. Diana Clare Samino, ang bagong pangulo ng samahan, ang mga kasama niyang mga opisyal. Kasama nila ang tagapagtatag ng ABI na si Ms. Angeli Pernecita, mga dating opisyal ng grupo, at mga aktibong kasapi.
Nanunumpa sa harap ni CDA Quinones ang mga bagong opisyal ng ABI
Matapos ang panunumpa, nagkaroon ng maikling talakayan upang mapag-usapan ang kalagayan ng mga kababayang Pilipino sa Israel, mga programa at serbisyo ng Embahada, at mga aktibidad ng ABI. Pinaabot ni CDA Quinones ang mainit na pagbati kalakip ang pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng ABI sa mga gawain ng Embahada. Hiniling din niya ang patuloy pang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng grupo at mga kababayang Oragon.
Talakayan ng Embahada at ng ABI matapos ng panunumpa. MULA SA KALIWA: Third Secretary Narajos, CDA Quinones, Labor Attache Gabasan, Third Secretary Bautista
Dumalo din sa seremonya sina Labor Attaché Rodolfo G. Gabasan, Third Secretary Patricia D. Narajos (na pinamumunuan ang Assistance to Nationals section ng Embahada), Third Secretary Teri Adolf C. Bautista (na pinamumunuan ang Filipino Community Affairs section ng Embahada), at Attache Vanessa Mae Madera (tagapag-ugnay ng Embahada sa Mamayang Pilipino sa Israel).
Muling pinapaabot ng Embahada ang mainit na pagbati sa mga bagong pinuno ng ABI! - WAKAS
Photo credits, ABI.