MENU

0 02 0a 89a63ddea95fab6e89e9da0a5079bbb85097b06bce026b03f9b5d157346d62f3 569205a354506315

Sa ating mga mahal na kababayan sa Israel, kaibigan, igsoon, at kadwa,

Nais ko po sanang magpasalamat sa inyo at magpaalam na rin sa pagtatapos ng aking termino bilang Ambassador. Sa mahigit isa at kalahating taon ko pong paninilbihan, marami po tayong magandang alaala at masasayang pinagsamahan, bagamat iyon ay limitado dahil sa pandemya.

Nais ko rin po sanang ipaalam ang ilan lamang sa maraming iginawad na paglilingkod at tulong para sa ating mga kababayan dito sa Banal na Lupain:

  1. Pag-implementa ng dalawang (2) bilateral labor agreements (para sa mga caregiver at hotel workers) kung saan legal at maayos na makakapagtrabaho ang ating mga kababayan dito na protektado ng gobyerno ng Pilipinas at ng Israel;
  2. Pagsuporta sa ating kampanya laban sa COVID kung saan nakatulong tayo sa paghikayat sa gobyerno ng Israel na magpadala ng mga medical experts at medical supplies sa Pilipinas;
  3. Pagtulong at pagsasaayos ng mga legal at maayos na trabaho para sa mga kababayan sa Israel;
  4. Pagtataguyod ng programa para sa ating mga estudyanteng nag-aaral ng agrikultura dito sa Israel;
  5. Pagtulong sa mga mangagawang kababayan natin sa Israel sa abot ng ating kakayahan;
  6. Pag-abiso at pagbigay ng guidance sa mga kababayan natin sa pag-iingat sa pandemya at karahasan;
  7. Pagpapalaganap ng turismo ng Pilipinas sa mga Israeli
  8. Iba pang mga aktibidades na nakapagpaigi ng uganayan ng Pilipinas at ng Israel sa ekonomiya, turismo, depensa, at iba pa;
  9. Pagpapapatibay ng relasyon ng mga mamamayan ng dalawang bansa;
  10. Pagsulong at paglagda kamakailan lang ng tatlong kasunduan ukol sa (1) pagpapalaganap ng investments, (2) sa ekonomiya at pinansiya, at (3) inobasyon;
  11. Pagsulong ng iba pang kasunduan na higit pang magpagpapalaganap ng ng kalakaran at negosyo sa pagitan ng dalawang bansa;
  12. Pagbibigay ng iba pang serbisyo ng embahada sa ating mga kababayan sa tulong ng OWWA, POLO, SSS, at DAFA.

Marami pong salamat sa pagsuporta niyo sa aking paninilbihan. Nawa’y ingatan kayo ng Diyos at ang inyong pamilya.