MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 992
Pag-Ibig

ANG INYONG PAG-IBIG FUND SA ISRAEL
para sa magandang kinabukasan

Ang Pag-IBIG Overseas Program (POP) ay narito na sa bansang Israel . Malugod po namin kayong inaanyayahan na maging isang miyembro at samantalahin ang oportunidad na magkaroon ng maginhawang  pabahay sa napakababang interes mula sa Pag-IBIG Fund.

Madali lang pong magparehistro para maging miyembro. Sundin lang po ang mga sumusunod:

1. Pumunta o tumawag saEmbahada ng Plilipinas na nasa bilang 18 Bnei Dan Street , Tel Aviv, 62260 Israel, tel 03.60.10.500 to 503 . 

Maari rin po kayong magsadya sa ALFA Club (Golden Leaves International Ltd) na nasa New Tachana Merkazit, Levinsky 108, Tel-Aviv Israel at hanapin si Ginoong Ronaldo Alvarez or tumawag sa telepono: 03-688-8425, 054-683-0629, 0503-20-0625.

2. Humingi po ng Member’s Data Form (MDF) sa kanila at kumpletuhin ang mga hinihinging inpormasyon sa MDF.

3. Ibigay po ang nasagutang MDF kasama ang isang di pa natatagalang kuha na 1” x 1” picture kay Ginoong Alavarez ng ALFA Club.

4. Magbayad po ng nararapat na kontribusyon sa ALFA Club na isang sangay ng iRemit, Inc. sa Israel . (Sumangguni po sa nakalakip na POP brochure para sa wastong halaga na babayaran).

5. Hintayin po ang resibo na katibayang nagbayad kayo sa ALFA Club.

6. Maaari po kayong makipag-ugnayan kay Ginoong Ronaldo Alvarez para malaman kung dumating na mula sa Pag-IBIG Fund Philippines ang inyong POP ID card at Record Book. Maaari nyo po siyang tawagan sa telepono bilang (972) 3688-8425.

7. Para po sa inyong karagdagang mga katanungan o kaliwanagan, maaari po kayong makipagugnayan sa aming opisina sa 6/F, Justin Building,   No. 317,  Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City, 1200 Philippines; telepono bilang (632) 817-8524 at (632) 893-8874; e-mail address: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. oThis email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..  Maaari po ninyong hanapin si Ms. Marivic Clavecilla.

Maraming Salamat po!

POP OVERSEAS OPERATIONS DEPARTMENT 
Pag-IBIG Fund
Mr. Amado Isabelo I. Dizon, III
Manager - Europe Operations
Pag-IBIG Overseas Program
6th Floor Atrium of Makati Bldg.
Makati Avenue, Makati City, Philippines
Website: http://www.pagibigfund.gov.ph