ADVISORies

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT UKOL SA PAGKUHA NG OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE (OEC) 

Nais ipaalam ng Embahada na simula sa ika-1 ng Disyembre  hanggang ika-31 ng Disyembre 2022, ang pagkuha ng OEC ay first come first served basis mula 8:30 am hanggang ika-12 ng tanghali at kung ang inyong flight schedule ay sa loob ng 3 working days. Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng kukuha ng OEC na maaaring sanhi ng pagkalat ng flu o COVID 19 virus.

Para rin mapabilis ang proseso ng pagkuha ng OEC, maaaring mag-register sa POEA registration (onlineservices.dmw.gov.ph) at siguraduhin  na dala ang mga sumusunod na requirements:

  1. Standar Employment Contract;
  2. Employer's ID (teudat zehut);
  3. Entry Visa;
  4. Flight Itinerary or ticker; and 
  5. Certificate of Placement with Recruitment Agency (Miktav Hashama).